9-0 DADAGITIN NG EAGLES

Standings                            W    L

Ateneo                 8     0

UP                         7     1

DLSU                    5     3

NU                        4     4

FEU                       3     5

UST                       3     5

AdU                      2     6

UE                         0      8

 

Mga laro ngayon:

(Mall of Asia Arena)

10 a.m. – FEU vs UP

12:30 p.m. – DLSU vs UST

4:30 p.m. – UE vs Ateneo

7 p.m. – NU vs AdU

TARGET ng Ateneo ang ika-9 sunod na panalo sa pagharap sa University of the East sa pagpapatuloy ng UAAP men’s basketball tournament ngayong Martes sa Mall of Asia Arena.

Nakatakda ang salpukan sa alas-4:30 ng hapon.

Umaasa si Blue Eagles coach Tab Baldwin na ang  week-long break ay makatutulong upang mapino ang ilan sa “good habits” na nabuo ng reigning three-time champions sa kanilang 34-game winning run na nagsimula noong 2018.

“We’ll try to reinforce some of the things, some of the principles that we believe really are the foundation of our system,” sabi ni Baldwin.

Puntirya naman ng University of the Philippines, nasa kanilang pinakamahabang  winning streak sa Final Four era, ang ika-8 sunod na panalo kontra Far Eastern University sa alas-10 ng umaga.

Tangan ng Maroons (7-1), na ang nag-iisang talo ay nalasap sa mga kamay ng Eagles sa opening day, ang two-game lead laban sa Green Archers (5-3) sa karera para sa  twice-to-beat incentive sa Final Four.

Makakabangga ng La Salle ang University of Santo Tomas sa alas-12:30 ng tanghali habang magsasalpukan ang  National University at Adamson sa huling laro sa alas-7 ng gabi.

May 4-4 kartada, ang Bulldogs ay angat ng isang laro sa joint fifth placers Tamaraws at Growling Tigers sa karera para sa huling Final Four berth.