UMAABOT na sa mahigit 9.1 milyong Pinoy ang fully-vaccinated na laban sa COVID-19.
Ito ay batay sa pinakahuling vaccine bulletin na inilabas ng Department of Health (DOH) kahapon.
Ayon sa datos ng DOH, hanggang Agosto 1 ay umaabot na sa 20,863,544 doses ang nai-administer sa bansa.
Ito ay may limang buwan nang simulan ang COVID-19 vaccination sa Pilipinas noong Marso.
Sa naturang kabuuang bilang, 11,747,581 indibidwal ang nakatanggap ng first dose ng bakuna.
Kabilang sa kanila ang may 1,995,926 frontline health workers (A1 category); 2,884,325 senior citizens (A2 category); 3,770,784 persons with comorbidities (A3 category); 2,623,263 essential workers (A4 category) at 473,283 indigents (A5 category).
Samantala, nasa 9,115,963 naman ang mga indibidwal na fully vaccinated na o nakatangggap na ng dalawang dose ng bakuna.
Kabilang dito ang 1,571,843 frontline health workers; 2,616,273 senior citizens; 3,327,621 persons with comorbidities; 1,295,610 essential workers; at 304,616 indigents.
Anang DOH, nakakapag-administer ang bansa ng average na 523,018 doses kada araw nitong nakalipas na linggo, base sa datos mula sa 1,465 active at reporting vaccination sites.
Mas mataas anila ito sa target na 500,000 jabs lamang kada araw.
Kaugnay nito, muli ring hinikayat ng DOH ang mga mamamayan na istriktong tumalima sa ipinaiiral na minimum public health standards (MPHS) at magpabakuna na upang maproteksiyunan sila laban sa COVID-19.
“Our defense against COVID-19 and its variants is by following the minimum public health standards and getting vaccinated,” anang DOH.
Target ng pamahalaan na makapagbakuna ng hanggang 70 milyong indibidwal upang makamit ang herd immunity ng bansa laban sa COVID-19. Ana Rosario Hernandez
509 643739Youd superb suggestions there. I did a research about the concern and identified that likely almost anyone will agree with your web page. 999103
833326 154028Im not that significantly of a internet reader to be honest but your blogs actually good, maintain it up! Ill go ahead and bookmark your internet site to come back down the road. Cheers 568820