PORMAL na pinasinayaan ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Sec. Mark A. Villar, kasama ang key officials ng Bulacan, ang Pulilan – Baliuag Diversion Road kahapon.
Ang multi-year road project ay sinimulang itayo noong 2015 at natapos ngayong taon.
Ayon kay Villar, ang natapos na kalsada ay umiwas sa overly-congested sections ng Maharlika Highway sa mga katabing bayan ng Pulilan at Baliuag na nagpaikli sa travel time. Ang mga motorista na patungong North Luzon Expressway (NLEX) ay maaari na ngayong gamitin ang alternate road na ito na nagsisimula sa Pulilan-Calumpit Road sa Barangay Tibag, Pulilan malapit sa NLEX at nagtatapos sa Daang Maharlika sa Barangay Tarcan, Baliuag, Bulacan, na tatawid sa ilang barangay sa Pulilan.
“The DPWH is keen on constructing more bypass roads due to our continued desire not only to improve traffic flow but to ensure the safety of travel. We are also aware that transportation improvement projects like these can affect the local economies of Pulilan and Baliuag, as well as the quality of life of the Bulakenyos,” wika ni Villar.
Ang P509.694 M four-lane 9.6-kilometer diversion road ay ipinatupad ng DPWH Regional Office III.
“Isa ito sa mga maipagmamalaki naming proyekto. Dahil sa diversion road na ito, hindi na kailangang baybayin ng mga Bulakenyos ang kahabaan ng Daang Maharlika. May alternatibong daan na silang puwede gamitin na bago, maluwag at mas mabilis,” paliwanag ni Villar.
Ang dagdag na feature na ipinatupad ni Villar sa nasabing proyekto ay ang bike lanes.
“As part of DPWH, not only is it our main goal to provide vehicular infrastructure, but pedestrian infrastructure as well – especially for those who do not have private vehicles of their own. This is why we aim to incorporate bike lanes in all our projects similar to what we did here in the Pulilan – Baliaug Diversion Road,” ani Villar.
Comments are closed.