ISANG 9-anyos na paslit ang hindi naisalba makaraang dumanas ng severe diarrhea sa Tanza, Cavite.
Isinisi naman ng health authorities ng Pamahalaang Panlalawigan sa diarrhea outbreak sa tatlong barangay sa bayan ng Tanza ang pagkamatay ng 9-anyos na bata.
Tinukoy ng Dr. Ruth Punzalan, municipal health officer of Tanza, Cavite ang mga barangay na Calibuyo, Punta 1, at Sahud Ulan na apektado ng diarrhea outbreak.
Habang ang Barangay Calibuyo ay may isang kaso ng cholera.
Sa datos ng Cavite Health Office, naitala ang 20 diarrhea cases noong Oktubre.
Samantala, ang paslit na biktima ay namatay sanhi ng severe diarrhea na isang araw lang na-confine sa ospital.
Batay naman sa imbestigasyon, kontaminado ang tubig na nainom ng mga biktima makaraang siyasatin ang pitong pinagkukuhanan ng tubig ng mga residente roon at lima ay nakumpirmang kontaminado.
Nabatid na sa balon pa rin kumukuha ng tubig ang mga residente roon para sa kanilang pang-inom, panluto at panlinis.