PINABULAANAN ni Bureau of Immigration commissioner Jaime Morente na naging positibo sa COVID-19 ang siyam na immigration officers na nakatalaga sa Ninoy Aquino International airport (NAIA).
Ito’y taliwas na unang ulat na ang nasabing bilang ay positibo sa naunang isinagawang rapid testing ng Bureau of Immigration medical section nitong nakaraang linggo.
Ayon kay Morente, matapos ang swab testing sa mga ito, lumabas sa confirmatory RT-PCR test na mga negatibo ang mga ito.
Dagdag pa ni Morente na bilang mga tinaguriang frontliner, kinakailangang sumailalim ang bawat IO sa rapid test upang makasiguro na maari na silang magbalik sa trabaho.
Sa kabila nito, ipinag-uutos ng BI na sumunod sa health protocol na ipinapatupad ng Inter-agency Task Force (IATF) partikular na ang physical distancing, practice good hygiene, pagsusuot ng face masks, gloves, at iba pang protective gear habang nasa duty. FROILAN MORALLOS
Comments are closed.