9 KABATAAN TUMAKAS SA DSWD

DSWD

SIYAM  na  menor-de-edad na pawang nahaharap sa magkakaibang kaso  ang nakatakas mula sa pangangalaga ng  Department  of Social Worker and Deve­lopment (DSWD) noong Linggo sa Caloocan City.

Sa report na naka­lap mula sa Caloocan-PNP, dakong alas-9:45 ng gabi nang maganap ang pagpuga mula sa Bahay Pag-Asa  na matatagpuan sa Torcillo St., sakop ng Brgy. 28 ng nabanggit na lungsod.

Batay sa inisyal na report, sa pamamagitan ng pagwasak sa bintana sa likurang bahagi ng  detention cell ng natu­rang tanggapan nagawang makatakas ng mga kabataang ito.

Hindi naman pina­ngalanan ang mga nakatakas na youth offender na ito.

Puspusan naman ang  follow-up operation ng pulisya upang payapang maibalik sa selda ng DSWD ang mga nagsitakas na kabataan.

Napag-alaman pa na ang ilan sa mga nakapuga ay nakatakda nang dalhin sa city jail upang tuluyang hara­pin ang isinampang kaso laban sa kanila. EVELYN GARCIA

2 thoughts on “9 KABATAAN TUMAKAS SA DSWD”

Comments are closed.