9 KASO NG UK VARIANT NATUKLASAN SA KALINGA

KALINGA – SIYAM na kasong UK variant bg COVID19 ang na-detect sa lalawigang ito kaya ipinag-utos ng Kalinga Provincial Health Ofice na higpitan ang pagpapatupad ng health protocols sa Publiko.

Base sa tala ng Regional Epidemiology Surveillance Unit of the Center for Health Development (RESU-CHD) Cordillera, lima sa bagong kaso ng UK variant ay natuklasan sa mga bayan ng Rizal, Pasil, Tanudan at Lubuagan habang apat na kaso naman sa Tabuk City.

Nagpapatuloy naman ang masusing pagmomonitor at contract tracing ng local government units (LGUs) katuwang ang Epidemiological Surveillance Units sa limang bayan at sa kapitolyo ng Kalinga na Tabuk City.

Magugunita na nakapagtala ang Kalinga ng 19 kaso ng UK variant noong Enero 20210 kung saan binalaan ang publiko sa paggamit ng face mask na hindi epektibo laban sa virus.

Pinayuhan ng health department ang publiko na ang virus ng UK variant ay madaling makapasok sa katawan kapag ang ginamit na facemask ay mahina ang materyales na ginamit kung saan madaling makapasok abg droplet.

Hinimok din ang publiko na panatilihin ang physical distancing guidelines para maiwasan ang infection. MHAR BASCO

4 thoughts on “9 KASO NG UK VARIANT NATUKLASAN SA KALINGA”

  1. 647923 165975Wow, great weblog layout! How lengthy have you ever been running a blog for? you make running a weblog glance effortless. The total appear of your internet internet site is magnificent, well the content material material! 294362

  2. 737968 794138I will appropriate away grasp your rss as I can not in obtaining your e-mail subscription hyperlink or e-newsletter service. Do youve any? Kindly permit me realize so that I could subscribe. Thanks. 36690

Comments are closed.