9 LUGAR POSITIBO SA RED TIDE

Red tide

SIYAM na lugar sa bansa ang positibo sa toxic red tide, ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR)

Sinabi ng BFAR na ang mga shellfish na nakolekta mula sa naturang mga lugar ay positibo sa paralytic shellfish poison toxic red tide na lampas sa regulatory limit.

Ang mga ito ay kinabibilangan ng baybaying tubig ng Altavas, Batan, at New Washington sa Batan Bay, Aklan; Sapian Bay; Panay, Capiz; Pilar, Capiz; President Roxas, Capiz; Coastal waters ng Roxas City, Capiz; Gigantes Islands, Carles, Iloilo; Dauis at Tagbilaran City, Bohol; at Dumanquillas Bay, Zamboanga del Sur.

Ayon sa BFAR, ang lahat ng uri ng shellfish at Acetes o alamang na nakukuha mula sa naturang mga lugar ay hindi ligtas kainin.

Ligtas namang kainin ang mga isda, pusit, at alimango basta sariwa, hugasang mabuti, at alisin ang internal organs bago lutuin.

EVELYN GARCIA