9 LUNGSOD SA METRO NAWAWALAN NG TUBIG

INILABAS ng Maynilad Water Services Inc. ang iskedyul ng kanilang ipatutupad na water service interruption sa siyam na lugar sa Metro Manila at isang barangay sa Bulacan mula Oktubre 17 (Lunes) hanggang 25 dahil sa mataas na water demand sa Bagbag reservoir.

Ang siyam na lungsod na apektado sa siyam na araw ng pagkawala ng serbisyo ng tubig ay ang Caloocan, Quezon City, Valenzuela, Manila, Malabon, Navotas, Makati, Parañaque at Pasay.

Ang mga barangay na apektado ng pagkawala ng tubig sa Caloocan mula alas 10:00 ng gabi hanggang alas 4:00 ng umaga ay ang mga barangay ng 167 hanggang 171, 174 hanggang 180 at Barangay 182 hanggang 188.

Apektado rin ng pagkawala ng serbisyo ng tubig mula alas 12:00 ng hatinggabi hanggang alas 4:00 ng umaga sa Caloocan ang Barangays 1-6; 8, Barangays 10-23, Barangays 25-28, Barangays 30-38, Barangays 40-44, Barangays 46-50, Barangays 52-71, 73-74, 77, 80, 93, 97-98, 101, 103, 105, 107, 109-118, 120, 122-131, 148-149, 152-154, 159-160, 162, 163, North Bay Boulevard, at San Jose.

Sa Quezon City, ang Barangay 170, Bagong Silang, Batasan Hills, Commonwealth, Greater Fairview, Greater Lagro, Gulod, Holy Spirit, Kaligayahan, NagKaisang-Nayon, North Fairview, Pasong Putik, Payatas, San Augustin, San Bartolome, Sauyo, Sta. Lucia, Sta. Monica at Talipapa ay makararanas ng pagkawala ng suplay ng tubig mula alas 10:00 ng gabi hanggang alas 4:00 ng umaga.

Kabilang din sa mga mawawalan ng tubig sa Quezon City mula alas 12 ng hatinggabi hanggang alas 4:00 ng umaga ang mga Barangays A. Samson, Balingasa, Done Josefa Marcos, Lourdes, Maharlika, Manresa, Masambong, Saint Peter, Salvacion, San Isidro Labrador, San Jose, Santa Teresita, Sto. Domingo, Siena, Talayan, Tatalon, 131, Pag-ibigsa Nayon at San Jose.

Mula alas 10:00 ng gabi hanggang alas 4:00 ng umaga ay mawawalan ng tubig ang mga barangay sa Valenzuela City na kinabibilangan ng Barangays Arkong Bato, Balangkas, Bisig, Coloong, Dalandanan, Gen. T. De Leon, Isla, Karuhatan, Mabolo, Malanday, Malinta, Marulas, Maysan, Palasan, Parada, Pariancillo Villa, Pasalo, Poblacion, Polo, Rincon, Tagalog, Ugong, Vicente Riales at Wawang Pulo.

Sa mga lungsod ng Manila, Malabon at Navotas ay magpapatupad ng water interruption ang Maynilad mula alas 12:00 ng hatinggabi hanggang alas 4:00 ng umaga.

Ang mga mawawalan ng suplay ng tubig sa Manila ay ang mga barangay ng Barangays 1-10, 18, 20, 48-66, 68-71, 74-76, 78, 81, 102, 119, 121, 124-153, 155, 160, 163, 168-172, 177-186, 198-276, 281-287, 289-292, 294-325, 329-330, 335-472, 474-478, 482-501, 504-520, 570-571, 576, 626-648, 654-655, 657-661, 663-664, 666-672, 674, 676, 696-701, 202-A, 660-A, 663-A at 664-A.

Apektado naman sa Malabon ang mga barangay ng Barangays 14, 31, 161, Acacia, Baritan, Bayan-Bayanan, Catmon, Concepcion, Dampalit, Flores, Hulong Duhat, Ibaba, Longos, Muzon, Niogan, Potrero, San Augustin, Tanong, Tinajeros, Tonsuya at Tugatog.

Sa Navotas City naman ay apektado ang mga barangay ng Barangays 12, 14, Bagumbayan, North Bagumbayan, Bangkulasi, Daanghari, Novotas East, Navotas West, North Bay Boulevard, San Jose, San Rafael, San Roque, Sipac-Almacen, Tangos at Tanza.

Sa tatlong natitirang lungsod na Makati, Pasay at Parañaque sa Metro Manila ay maaapektuhan ng water service interruption mula alas 12:00 ng hatinggabi hanggang alas 6:00 naman ng umaga.

Dalawang barangay lamang sa Makati ang maaapektuhan ng pagkawala ng tubig sa Makati City na kinabibilangan ng mga Barangays Bangkal at Palanan.

Pitong barangay naman ang mawawalan ng suplay ng tubig sa Parañaque na kinabibilangan ng Barangays Don Bosco, Marcelo Green, Merville, Moonwalk, San Antonio, San Isidro at Sun Valley.

Sa Pasay City ang mga maapektuhan ay ang mga Barangays 41-49, 51-53, 56-59, 63-68, 71-75, 80-81, 84-86, 89, 91, 93-99, 101, 104, 106-110, 112-115, 118, 120, 122-123, 125-126, 128, 130-131, 133, 135-138, 140, 142, 181-185, 201.

Sa Bulacan ay tanging ang Barangay Catanghalan lamang ang maapektuhan ng water service interruption schedule. MARIVIC FERNANDEZ