BULACAN- NASA 37 kilo ng marijuana na nagkakahalaga ng P4.4-M ang nasabat sa siyam na kabataan sa buy bust operation sa Sitio Sandoval, Brgy. Iba, Hagonoy.
Sa report ni PNP Acting Provincial Director P/Col. Lawrence Cajipe, kinilala ang mga suspek na sina Kevin Paul Jose, 26, binata ng Brgy.Wawa, Balagtas,Joshua Gabriel Faustino, 23, student, Brgy.Iba,Sitio Sandoval, Anthony Chino Morales, 28, Paco,Manila, Ken Alec MC Claine Cruz, 22, Pasig, Tyrone Gipala,23, kapwa residente ng Brgy.Kalawaan,Pasig, Kate Desaluna,18, Tiaong,Quezon Province, Marc Mariano,22, Brgy.Kupang,Antipolo City, Ivanah Nanit,22, ng Brgy, Jesus Dela Peña, Marikina City at isang menor de edad ng Brgy.Kalawaan,Pasig.
Ganap na alas- 3:20 ng madaling araw nang pasukin ng mga pulis ang rest house sa Sitio Sandoval.
Sa inisyal na imbestigasyon ng mga pulis, nag-ugat ang naturang operasyon nang makumpiska ng NPD police noong Pebrero 16 sa Caloocan ang 1.5 kilograms ng marijuana sa dalawang target habang nasundan nang follow-up operation noong February 19 ang 5 kilograms ng marijuana sa isang drug personality sa Bagong Bantay,Quezon City.
Nakuha sa rest house ang 23 plastic rolled dried marijuana na may kahalong fruiting tops na may timbang na 23 kilograms at 11 malaking brick cling wrapped ng marijuana, digital weighing scale,mga sako,LG cellphone at isang kulay itim na Nissan Navarra Calibre na may conduction sticker na F2U275. THONY ARCENAL
Comments are closed.