9 NA TALAMPAKANG SAWA, NARONDA NG MGA TANOD ni SID SAMANIEGO

PAUWI na sana kaninang ala-una ng madaling araw ang magbest friend na sina Kyra Angelica Nosdo at Baby Lyn Tubalin sa kanilang bahay sa Kalye Hacienda, Brgy. Tejeros Convention nang makita nila ang isang malaking sawa na tumatawid sa kalsada.

Agad nilang ipinaalam sa mga rumorondang barangay tanod ang pangyayari na agad namang nahuli ang naturang sawa.

Matapos na mai-turn over sa Municipal Enviroment and Natural Resources Office (MENRO) ang sawa ay may habang siyam na talampakan matapos itong masukatan.