9 NALAMBAT SA BUY BUST

RIZAL- SIYAM katao ang nasakote ng mga operatiba ng Cainta PNP makaraang makumpiskahan ng 150 gramo ng shabu sa isinagawang anti-drug operation kamakalawa ng umaga sa Cainta sa lalawigang ito.

Ayon sa ulat ni Rizal PNP Provincial Director Col. Dominic Baccay kay PRO4A – Regional Director BGen. Jose Melencio Nartatez Jr., kinilala ang mga suspek na sina Mary Claire Gamoza Rivera; Leslie Atienza Noche; Manuel Tutal Hibay; Alexie Paolo Santos Nilo; Jean Michael de Jesus Ealdama; Erwin Tudla Naval; Erwin Mina Angeles; Joy Dait Bernabe at Levi Solano sa Barangay San Andres.

Nabatid na dakong alas-9 ng umaga, nakatanggap ng reklamo ang tanggapan ni Lt. Col. Ruben Piquero, hepe ng Cainta PNP na isang Mary Claire ang nagtutulak ng droga sa lugar na agad na nagsagawa ang buy bust operation na nagresulta sa pag-aresto sa mga suspek.

Nakumpiska sa mga ito ang 10 heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng 150 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P 612,000.00, isang glass tube gamit bilang tooter, aluminum foil, disposable lighter, weighing scale, buybust money at mga shabu paraphernalia.

Sinampahan na ng kasong paglabag sa ilegal na droga ang mga suspek sa Rizal Provincial Prosecutor’s Office.

Pinuri at pinasalamatan din ni Nartatez, ang mga tauhan ng Cainta Police at Provincial Intelligence Unit (PIU) sa sunod-sunod na pag-aresto sa mga tulak at adik na salot sa lipunan. ELMA MORALES