SIYAM na lungsod na sa National Capital Region (NCR) ang nakapagtala ng kaso ng Delta variant ng COVID-19.
Ito ang kinumpirma kahapon ni Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa isang Laging Handa press briefing.
Ayon kay Vergeire, “Nine out of the 17 cities in NCR are with Delta variant as of August 1.”
Nabatid na kabilang sa mga naturang lungsod ang Malabon na may apat na kaso; Makati na may tatlong kaso; San Juan na may dalawang kaso; Las Piñas na may 14 na kaso; Valenzuela na may isang kaso; Pasig na may anim na kaso; Mandaluyong na may dalawang kaso; Maynila na may 12 kaso; at Caloocan na may apat na kaso.
Kasabay nito, iniulat ni Vergeire na ang NCR ay nakapagtala na rin ng average na 1,535 bagong kaso ng COVID-19 kada araw, mula Hulyo 27 hanggang Agosto 2.
Ito ay 65% umanong mas mataas kumpara sa naitalang mga kaso noong nakaraang linggo.
Sa ngayon, ang Pateros at Malabon ay klinasipika na bilang critical-risk areas dahil sa kanilang mataas na two-week case growth rate at average daily attack rate (ADAR) habang ang iba pa namang lungsod sa Metro Manila ay nasa high-risk naman dahil sa mataas na ADAR, maliban sa Marikina at Caloocan.
Ang Las Piñas ang nakapagtala umano ng pinakamataas na intensive care unit (ICU) utilization rate sa 86%, kasunod ang Muntinlupa na nasa 72% at Quezon City na nasa 71%.
Ang ICU occupancy rate naman sa lahat ng lungsod ay nasa moderate-risk to low-risk zone.
Batay naman sa datos mula sa National Vaccination Operations Center, lumilitaw na hanggang Agosto 1, nasa 48.55% o 4.7 milyon na sa mahigit 9.6 milyong adults sa Metro Manila ang nakatanggap ng hanggang isang dose ng COVID-19 vaccine.
Mayroon naman nang kabuuang 3,471,666 indibidwal sa rehiyon ang fully-vaccinated na o nakatanggap na ng dalawang dose ng bakuna.
Matatandaang alinsunod na rin sa kahilingan ng metro mayors, ang Metro Manila ay nakatakdang muling isailalim sa enhanced community quarantine (ECQ) simula Agosto 6 hanggang 20 bilang bahagi ng pagsusumikap ng pamahalaan na mapigilan pa ang pagkalat ng Delta variant ng COVID-19 sa rehiyon.
Batay sa datos ng DOH, sa kasalukuyan ang Pilipinas ay mayroon nang 216 kumpirmadong kaso ng Delta variant. Ana Rosario Hernandez
510391 407818Hi there, just became alert to your blog by means of Google, and found that it is truly informative. Im gonna watch out for brussels. Ill be grateful in case you continue this in future. A lot of individuals will likely be benefited from your writing. Cheers! 79316
609973 998884I truly appreciate your piece of function, Wonderful post. 458743