9 OFWs, 5 BATA NAKAUWI NA MULA LEBANON

BALIK-PINAS na ang siyam na overseas Filipino workers (OFWs) at limang bata mula Lebanon sa gitna ng nagpapatuloy na tensiyon sa pagitan ng Israel at Hezbollah militants.

Ayon sa Department of Foreign (DFA), dumating sila sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 sa Pasay City via flight PAL PR685.

Personal na sinalubong nina DMW Assistant Secretaries Venecio Legaspi at Francis Ron de Guzman ang mga umuwing OFWs.

Ang mga repatriate ay tumanggap ng ayuda mula sa DMW at sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), kabilang ang on-site assistance at reintegration services.

Sa kasalukuyan ay may kabuuang 111 OFWs sa Lebanon ang na-repatriate na sa Pilipinas.

Noong October 21 ay isinailalim ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang Lebanon sa Alert Level 3 sa gitna ng umiigting na tensiyon sa pagitan ng Israel at ng Hezbollah ng Lebanon dahil sa pag-atake ng Hamas.

Ang Alert Level 3 ay nangangahulugan ng voluntary repatriation ng mga Pinoy sa apektadong bansa.