COTABATO CITY – INIIMBESTIGAHAN ngayon ng mga awtoridad ang naganap na pananambang kung saan siyam katao ang patay at tatlo ang sugatan sa Barangay Kalumamis, Guindulungan, Maguindanao kahapon ng umaga.
Sa inisyal na impormasyon mula kay Maguindanao PNP spokesperson Lt. Fayeed Cana, naganap ang insidente dakong alas-7 ng umaga nitong Sabado.
Nabatid na patungo sana sa Barangay Kitapok, Datu Saudi Ampatuan, Maguindanao ang grupo ni Kumander Pags Mamasainged alias Black Magic sakay ng tatlong SUV para sa isang rido settlement nang tambangan sila ng hindi nakikilalang grupo pagsapit sa Barangay Kalumamis, Guindulungan, Maguindanao.
Matapos ang pananambang, siyam katao ang agad na nasawi samantalang tatlo naman ang malubhang nasugatan.
Sa kasalukuyan, hindi pa matukoy ng PNP ang Motibo ng pananambang at kung sino ang mga salarin.