LANAO DEL SUR – PATAY ang siyam na miyembro ng Dawlah Islamiyah-Maute terrorist group habang anim pa ang nasugatan kabilang ang apat na sundalo sa naganap ng engkwentro sa Brgy. Tapurog, Piagapo.
Ayon sa report ang mga napatay ay nakilala sa mga alyas na Omar, Mikdad, Imam, Abdullah atSaumay Saiden o mas kilala sa mga tawag na “Ustadz Omar” o “Abu Omar”, na isa sa apat na pangunahing suspek sa naganap na pagpapasabog sa gymnaium ng Mindanao State University (MSU) noong nakalipas buwan ng Disyembre 2023.
Samantalang ang mga sugatang sundalo na pansamantalang hindi pinangalanan ay dinala sa pagamutan para malapatan ng lunas.
Batay sa report, nakasaguipa ng 103rd Infantry Brigade, 1st Division Brigade ng Philippine Army (PA) ang nasa 15 terorista sa Brgy. Tapurog, Piagapo na pinangungunahan nina Alias “Mahater”, Alyas “Engineer” ‘ Alyas “Omar” at Alias “Khatab”‘ na sinasabi umanong responsable sa MSU bombing na ikinasawi ng apat katao nuong nakalipas na buwan.
Ayon naman sa pahayag ni PBrig. Gen. Yegor Rey Barquillo Jr., Commander ng 103rd IB, na naganap ang naturang engkuwentro na tumagal ng dalawang oras na sagupaan sa inilunsad na operasyon ng 7th Company ng 3rd Scout Ranger Batalion makaraang maispatan ang kanilang presensiya sa nasabing lugar.
EVELYN GARCIA