9 PATAY SA CORONAVIRUS

Coronavirus

UMAKYAT  sa siyam ang bilang ng mga nasawi sa  Wuhan coronavirus  habang marami pang kaso ang napaulat  sa labas ng China na umabot din sa Estados Unidos.

Nakatakdang magpulong ang mga matataas na opisyal ng  World Health Organization (WHO)  sa Geneva  upang magpasya kung  dapat na ihayag na  isang “public health emergency of international concern,”  ang pagkalat ng nasabing sakit.

Ayon sa Chinese health authorities, nasa  440 kaso ang nakumpirma sa mainland, tatlo sa mga nasawi rito ay iniuugnay sa virus sa Hubei, ang  central Chinese province  na ang Wuhan ang kapital.

Kinumpirma rin ng mga opisyal sa  Washington state ang unang kaso ng virus sa Amerika  nitong Martes.   Iniulat na mayroon na rin sa South Korea, Thailand at Japan, at mayroong suspected case sa Australia.

Nagsasagawa ngayon ng  Class A prevention and control measures ang China  na katulad ng ginamit sa   major outbreaks  tulad ng plague at cholera.  Mangangahulugan na ang  health officials  ay may kapangyarihang  i-lock down  ang mga apektadong lugar   at  ilagay sa quarantine ang mga pasyente.

Iniulat na may 2,200 kaso ang nagkaroon ng close contant sa virus carriers, 715 ang nakalabas na ng ospital habang mahigit sa 300 pasyente ang inoobserbahan.

Ang pagkalat ng respiratory virus sa Thailand, Japan, South Korea, Taiwan, at United States, ay lumikha ng  mas malawak na epidemya,  habang  pumasok na ang  pa­nahon  ng busiest travel period para sa China

Samantala, inihayag ni  Health Secretary Francisco Duque III  na maituturing pa ring ligtas mula sa 2019 NovelCoronavirus o 2019 NCoV-free ang Filipinas.

Ito ang inihayag kahapon ni  Duque sa kabila ito ng naunang kumpirmasyon na may isang 5-taong gulang na batang lalaki mula sa China silang in-iimbestigahan sa ngayon dahil sa posibilidad ng pagkakaroon ng 2019 NCoV.

Ipinaliwanag rin ni Duque na isolated pa lamang sa ngayon ang kaso ng bata, na dumating sa bansa noong Enero 12 upang mag-aral ng wikang Ingles.

Naka-confine ang pas­yente sa isang pasilidad sa Cebu ngunit gumagaling na ito at may kaunting ubo na lamang sa ngayon

Ang nanay naman umano ng bata ay hindi nakitaan ng sintomas ng sakit at nega­tibo rin sa virus matapos ang ginawang pagsusuri sa kanya.

Dahil dito, sinabi ni Duque na may posibilidad pa rin na hindi 2019 NCoV ang tumama sa bata ngunit hinihintay pa rin nila sa ngayon ang resulta ng pagsusuri ng laboratoryo sa Australia sa throat sample ng nasabing pasyente.CNN Philippines (May dagdag na ulat ni ANA ROSARIO H)

Comments are closed.