SIYAM ang patay sa Caloocan-Malabon-Navotas-Valenzuela (CAMANAVA) area sa COVID-19 nitong Marso 11, habang umakyat sa 2,133 ang active cases at sumipa sa 1,243 death toll.
Sa Caloocan City, 488 na ang namamatay at 520 ang active cases, samantalang 15,216 ang confirmed cases at 14,208 na ang total recoveries.
Isa naman ang patay sa Barangay Baritan at isa rin sa Barangay Panghulo, Malabon City,74 ang nadagdag na confirmed cases, at sa kabuuan ay 7,560 na ang positive cases sa lungsod, 625 dito ang active cases.
Sa kabilang banda, 33 na pasyente ang nadagdag sa bilang ng mga gumaling. Sa kabuuan ay 6,663 na ang recovered patients ng siyudad at 272 na ang COVID casualties.
Binawian naman ng buhay ang isang COVID patient sa Navotas, habang umakyat sa 5,436 ang active cases.
Umabot na sa 6,539 ang total cases sa lungsod, kung san 5,789 na ang gumaling at 204 na ang namamatay.
Patay rin ang isang pasyenteng may COVID sa Valenzuela City habang lumobo sa 442 ang active cases matapos na 90 ang magpositibo at 67 lamang ang makarekober.
Ang confirmed cases sa Valenzuela ay umakyat na sa 10,644, kung saan 9,923 na ang gumaling at 279 na ang namamatay. EVELYN GARCIA
208189 190181When I came more than to this post I can only appear at part of it, is this my net browser or the internet web site? Need to I reboot? 220197
712547 196098You produced some decent points there. I looked on-line for any problem and found most individuals will go in conjunction with along with your web site. 234933
559267 413751Wohh exactly what I was seeking for, regards for posting . 444570