LAHAT ng siyam na Filipino boxers na sumasabak sa boxing competitions sa 31st Southeast Asian Games na idinadaos sa Bac Ninh province sa Vietnam ay nasa semifinal round ng kumpetisyon.
Nakasisiguro na silang lahat ng bronze medal at kapag nanalo sila sa kanilang mga laban ay uusad sila sa gold medal round sa Linggo.
Ang ABAP ay nagpasok ng 10 boxers ngunit may dalawang 2 entries lamang sa women’s middleweight class (75 kg) kaya kinansela na lamang ang kumpetisyon sa naturang kategorya.
Hindi na lalaban si Filipina Hergie Bacyadan, na nagwagi kamakailan ng gold sa Thailand Open.
The same situation occurred in the women’s welterweight class (69 kg) where only the host nation and Thailand had entries. The Thais also tried to appeal the decision to no avail.
Sa penultimate round ay sasalang sina Josie Gabuco (vs THA), Rogen Ladon (vs THA), James Palicte (vs Indonesia), Eumir Felix Marcial (vs THA) at Riza Pasuit (vs VIE).
Apat na iba pang Pinoy ang sasabak sa Biyernes sa kanilang sariling semifinal round matches — They are Nesthy Petecio (vs VIE), Ian Clark Bautista (vs CAM), Marjon Pianar (vs INA), at Irish Magno (vs INA).
Bukod kina Picson at Manalo, nasa koponan din sina head coach Don Abnett, men’s head coach Ronald Chavez kasama si Gerson Nietes, at women’s coach Mitchel Martinez.
Dalawang Filipino referee-judges ang kabilang sa technical officials — 3-star R&Js Mark Abalos at Jonathan Jimenez. CLYDE MARIANO