SIYAM na police officials ang ginawaran ng promotion kabilang tatlong heneral at anim colonels nitong Lunes sa Multi-Purpose Center sa Camp Crame, Quezon City.
Ang mga heneral na 2-star rank o major general ay sina Police Major Generals Harold Tuzon, Viktor Wanchakan, at Rudolf Dimas.
Mula sa pagiging police colonel, naging Brigadier Generals na sina Redrico Maranan, ang hepe ng Public Information Office; Victor Arevalo, Lex Ephraim Gurat, Alfredo Dangani, Paul Kenneth Lucas, at Roderick Mariano.
Binati naman ni PNP Chief Gen. Benjamin C. Acorda Jr. ang mga na-promote at pamilya ng mga ito.
Kasabay ng pagbati ay pinayuhan ni Acorda ang mga naitaas na ranggo na huwag abusuhin ang awtoridad, huwag gamitin ang titulo sa pansarili kundi gamitin para sa ikatataas ng imahen ng organisasyon sa pamamagitan ng tapat na serbisyo sa taumbayan at sa bansa.
Ayon sa PNP chief, ang pagtaas ng ranggo ng walong opisyal ay institutional decision kaya dapat sundin ang mandato, gamitin ang awtoridad para sa pagkakaisa, maging prayoridad ang organisasyon at tungkulin at hindi ang personal interest.
“There are institutional decisions and when it comes to priorities you as star rank officers you should forget about the personal interest and you should always think of the institutional priorities hence when you make decision, you should always consider the institution that weserve for kaya with your new rank now, huwag “niyo testingin “yung powers n’yo. You have that power already. Do not use as a means to advance personal interest but rather use your rank in upholding institutional development and with that sana with your new rank, use para sa pagkakaisa nating lahat,” ayon kay Acorda.
EUNICE CELARIO