9 PUBLIC SCHOOLS NAKA-SOLAR PANEL

INILUNSAD ng lokal na pamahalaan ng Makati ang paggamit ng solar panels sa mga pampublikong eskuwelahan sa lungsod.

Sinabi ni Makati City Mayor Abby Binay, siyam na pampublikong eskuwelahan sa lungsod ang mauuna na munang gagamit ng solar panels.

Sa paglulunsad ng proyektong solar panel sa San Antonio National High School, binigyan ng importansya ni Binay ang “walking the talk” pagdating sa pag-promote ng sustainability at raising awareness sa impact na maidudulot ng climate change.

“As a city, we have a responsibility to protect the environment and address the effects of climate change. The use of solar panels in schools is just one step towards achieving our goal of creating a more sustainable and resilient city. By investing in solar panels for our public schools, we are taking a step towards a greener, more sustainable future for our beloved city,” ani Binay.

Sa ilalim ng naturang proyekto, aabot sa 25 pampublikong elementarya at high school sa lungsod ang nakatakdang gumamit ng solar panel at ang San Antonio National High School ang isa sa mga unang makikinabang at magkakaroon ng fully-operational solar panels.

Kabilang sa mga nauna na ring gumamit ng solar panels ay ang Makati High School, East Rembo Elementary School, Makati Elementary School, Pembo Elementary School, San Antonio Village Elementary School, Nicanor Garcia Elementary School, Tibagan High School, at Rizal Elementary School.

Ang benepisyong makukuha sa paglalagay ng solar panels ay ang pagpapababa ng konsumo at kabayaran ng kuryente sa lahat ng eskwelahang lalagyan nito na makakukuha ng enerhiya mula sa araw.

Sa ulat ng San Antonio National High School, 88 porsiyento o katumbas ng 3644 kWh na kanilang kinokonsumo ngayong enerhiya ay nanggagaling sa nakolektang solar power energy habang ang natitirang 12 percent (498 kWh) na lamang ang kanilang nagagamit na distribusyon ng kuryente ng Meralco.

“The city’s solar panel project is an excellent example of how local governments can take action to promote sustainable energy practices and lead by example. The initiative is a significant step towards a more sustainable future and one that will inspire other cities and communities to follow suit,” dagdag pa ni Binay.

Samantala, kasalukuyang namang isinasagawa ang pagkakabit ng solar panel sa mga eskwelahan ng Fort Bonifacio High School, Guadalupe Viejo Elementary School, Gen. Pio del Pilar National High School, Bangkal Elementary School-Main, Benigno “Ninoy” S. Aquino High School at Pitogo Elementary School.

Ang susunod na yugto ng proyekto ay kinabibilangan naman ng 10 pang pampublikong eskwelahan na lalagyan ng solar panels sa buong lungsod. MARIVIC FERNANDEZ