MAYNILA – NASA 19 katao na umano’y sangkot sa pagtutulak at paggamit ng ilegal na droga ang inaresto ng pulisya sa ikinasang buy bust operation sa isang hotel sa Sta.Ana at sa Tondo.
Dakong alas-3:30 ng madaling araw nang ikasa ng Manila Police District (MPD) PS6 ang operasyon sa loob ng room #404 at 303 ng Lucky Win Hotel na matatagpuan sa kahabaan ng A. Francisco St., Sta. Ana, Manila.
Kabilang sa unang 13 na naaresto sa hotel sina Reinik Guevarra, 21; Ferdinand Sagun, 36; Lawrence Roque, 42; John Cordero, 26; Manuelito Espotin, 28; Genalyn Miranda, 33; Catherine Ortiz 26; Maria Perla Hulgado, 49, kapwa residente ng Makati City; Danica Ravela, 22, ng Sampaloc, Manila; George Shelly, 45, ng Sta. Ana, Manila; Jefferson Gatdula, 34 ng Pasay, City; Jennifer Sumcio, 38 at Herbert Constantino, 32, kapwa taga-San Pedro, Laguna.
Nakuha sa mga suspek ang 22 plastic sachets ng hinihinalang shabu na may street value na P170,000 at mga drug paraphernalia.
Nakuha rin sa mga suspek ang isang caliber .38 revolver na walang serial number na may 5 pirasong buhay na bala at isang caliber 9mm snub nose revolver at 5 bala, at isang cal. 45 replica.
Kasong paglabag sa Section 5 (selling of dangerous drugs), section 11 (illegal possession of dangerous drugs), section 12 (illegal possession of paraphernalia for drugs), Article II of RA 9165 o “An act instituting the comprehensive dangerous drugs act of 2002 and RA 10591 illegal possession of firearms and ammunition” ang isasampang kaso sa Manila City Prosecutor laban sa labintatlo.
Samantala, naaresto naman sa kahabaan ng New Antipolo, Tondo bandang alas-5 ng umaga ang anim na iba pa.
Nakilala ang mga naaresto na sina Gary Encarnacion, 41; Sheryl Austria, 40; Leonora Silvestre, 46; Melanie Ongquit; Augusto Austria, 28; at Richard David, 19.
Nakuha naman sa mga suspek ang 8 plastic sachets ng shabu at marked money.
Kasong paglabag sa RA 9165 ang kakaharapin ng anim na drug personalities. PAUL ROLDAN
Comments are closed.