9 REBELDE UTAS SA MILITAR

BUKIDNON – SIYAM na rebelde ang nasawi sa serye ng bakbakan sa militar sa Malaybalay sa lalawigang ito.

Ang labanan ay naganap makaraan ang halos isang buwan na magkasunod ang dalawang panig para upuan ang usapang pangkapayapaan.

Ayon sa 4th Infantry Division ng Philippine Army, naganap ang labanan bago ang ika-55 anibersaryo ng Communist Party of the Philippines kahapon.

Pinangangambahan naman na magkaroon ng retaliatory attack ang panig ng mga rebelde kahit pa nagdeklara sila ng tigil-putukan.

Sa panig naman ng government troops, tuloy ang kanilang operation at hindi magdedeklara ng holiday truce. EUNICE CELARIO