9 SA 10 PINOY PABOR SA WAR ON DRUGS

Secretary-Eduardo-Año

SIYAM sa bawat sampung Filipino  ang pumapabor sa  kampanya laban sa droga ni Pangulong Duterte.

Ito  ang inihayag ni Interior and Local Government Secretary Eduardo Año kaugnay sa mas pinaigting na kampanya ng  administrasyon laban sa ilegal na droga.

Ayon kay Año, nananatiling malakas pa ring sinusuportahan ng nakararaming Filipino ang war on drugs ng pamahalaan.

Kahit pa may ilang sektor na patuloy na bumabatikos sa naturang kampanya ng Philippine National Police dahil na rin sa pagiging madugo umano nito at anti-poor.

Ibinase ng DILG OIC ang kanyang pahayag sa huling survey na ginawa ng Pulse Asia kung saan lumalabas na 88 percent o katumbas na 9 sa 10 Pinoy  ang buo ang tiwala sa war on drugs ng gobyerno.

Paliwanag ni Año, dahil sa suporta na kanilang natatanggap, mas nahihikayat umano sila na ipagpatuloy ang kanilang trabaho at panatilihin ang kanilang ‘momentum’ sa war on drugs.    VERLIN RUIZ

 

Comments are closed.