9 SA 10 PINOY SA ABROAD BET SI BBM

SI Partido Federal ng Pilipinas (PFP) standard-bearer Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. ang iboboto pa rin ng siyam sa 10 Pilipino na nasa ibang bansa, base sa Kalye Survey na isinagawa sa iba’t ibang panig ng mundo.

Base sa datos sa Pulso ng Pilipino na pinagsama-samang impormasyong ‘real-time,’ ‘real man on the streets surveys’ na isinagawa noong Oktubre 2021 hanggang Enero 31, 2022, si Marcos ang palaging pinipili ng mga Pinoy sa abroad na may preference rate na 84.77 percent.

“This means that he is the preferred presidential candidate of nine out of ten Filipinos abroad. Second place VP Leni Robredo has a global preference of a minuscule and forgettable 4.05 percent,” anang ulat na inilabas sa pamamagitan ng Youtube video.

Ang naturang Kalye Surveys ay may 4,343 respondents na kinuha mula sa tatlong kontinente ng Asia, North America, at Europe. Sa bilang na ito, si Marcos ay nakakuha ng 3,812 votes o 87.77 percent.

Malayong nakasunod sa kanya si Leni Robredo na may 176 votes o 4.05 percent. Pangatlo si Isko Moreno na may 160 o 3.68 percent. Pang-apat at pang-lima naman sina Manny Pacquiao at Panfilo Lacson na may 43 o .99 percent at 12 na boto o .28 percent, ayon sa pagkakasunud-sunod.

Ang undecided ay 3.22 percent.

Sinabi ng SPLAT Communications na napakalaking bagay ng resulta sa Kalye Survey worldwide na isinagawa para sa inaabangang national elections sa Mayo 9, 2022, dahil mayorya ng mga Pinoy na nasa abroad ang halos breadwinners sa kani-kanilang pamilya.

“They exert a huge influence on who their families here are going to vote for. So underestimating the power of this huge voting bloc is a gross mistake for any candidate,” sabi ng information and statistical data provider na katuwang ang consulting firm na Simplified Strategic Solutions (SSS) sa pagtara ng kabuuang impormasyon ng Kalye Survey.

Mayorya rin sa mga nagkokomentong netizens ang nagsabing mahirap dayain ang resulta ng Kalye Surveys dahil lahat ng katanungan dito ay naka-rekord sa video simula hanggang matapos at maaaring maitala ng kahit sino.

“Thank you, Splat Comm. Because of your surveys, other platforms are having a hard time manipulating the real numbers, unlike in the past!!!!!,” komento ng isang netizen.

Sinabi ng SPLAT na ang kabuuang numero ng kanilang datos ay base sa mga random videos ng iba’t ibang vloggers.

“A quick shout-out to all the Kalye Surveys worldwide. Your collective efforts are the real game-changer in this year’s elections. You are among our country’s new heroes,” sabi ng isa pang netizen.