BINALASA ni Philippine National Police (PNP) Officer-in-Charge, Lt. Gen. Vicente Danao Jr. ang siyam na senior officers sa police force.
Epektibo kahapon, may bagong assignment na ang siyam na opisyal base sa re-assignment order na pirmado ni Major General Herminio Tadeo Jr. ng Director for Personnel and Records Management.
Ang mga may bagong opisina ay sina BGen Jon Arnaldo na mula sa Directorate for Communications Technology and Management (DICTM) na naging Director ng National Police Training Institute;
BGen Lawrence Coop na mula sa Directorate for Personnel Records and Management (DPRM) ay itinalagang Hepe ng Civil Security Group.
Si BGen Oliver Enmodias na hepe ng Integrity Monitoring and Enforcement Group ay inilipat sa Area Police Command ng Eastern Mindanao bilang Deputy Commander.
Si BGen Jonnel Estomo na mula sa Directorate for Logistics ay inilipat sa Area Police Command ng Southern Luzon bilang Deputy Commander.
Si BGen Samuel Nacion na mula sa Philippine National Police Academy (PNPA) ay nilipat sa Integrity Monitoring Enforcement Group (IMEG).
Si BGen Emmanuel Peralta na mula sa Area Police Command- Southern Luzon ay inilipat sa DITCM.
Si BGen Sidney Villaflor na mula sa Civil Security Group ay inilipat sa Directorate for Logistics.
Habang si Col Joseph Arguelles na mula sa PNP Traning Service ay nilipat sa DPRM at Col Christopher Birong na mula sa APC ay nilipat naman sa PNPA. EUNICE CELARIO