90-ANYOS NA LOLA KAUNA-UNAHANG NATURUKAN NG COVID-19 VACCINE

vaccine

ISANG 90-anyos na lola mula sa England ang kauna-unahang tumanggap ng bakuna ng Pfizer-BioNTech laban sa coronavirus disease o COVID-19.

Filipino nurse ang nagturok ng vaccine  kay Margaret Keenan kahapon sa University Hospital Coventry.

Ayon sa nurse na si May Parsons, isang karangalan na siya ang napiling mag-administer ng kauna-unahang bakuna sa COVID-19 at masaya siya na naging bahagi siya ng kasaysayan sa panahon ng pandemya.

Ibinahagi naman sa kaniyang twitter ni British Ambassador to the Philippines Daniel Pruce ang pangyayari.

Sinabi ni Pruce  na si Parsons ay isa lamang sa libo-libong Fililpino healthcare workers sa United Kingdom.

Masayang masaya naman si Keenan at itinuring nito na “early birthday gift” ang pagtanggap niya ng bakuna.

Bukod kay Keenan ay  tinurukan din ni Parsons ng COVID-19 vaccine ang 81- anyos na nagngangalang William Shakespeare. NENET VILLAFANIA

8 thoughts on “90-ANYOS NA LOLA KAUNA-UNAHANG NATURUKAN NG COVID-19 VACCINE”

  1. 312509 259418Spot on with this write-up, I truly think this web site needs significantly far more consideration. Ill probably be again to read much far more, thanks for that info. 647412

Leave a Reply

Your email address will not be published.