90 LAW OFFENDERS TIMBOG SA SACLEO

BULACAN-MAYROONG 90 law offenders na kinabibilangan ng pitong Most Wanted Person(MWP) at 20 drug personalities ang nadakip ng Bulacan PNP sa unang araw ng week-long Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operation (SACLEO) na nagsimula nitong Lunes ng madaling araw.

Ayon kay Col.Rommel J.Ochave, acting Provincial Director ng Bulacan PNP kabilang sa nadakip ay si Rolly Cristobal,41-anyos,magsasaka ng Barangay Laog,Angat, Bulacan na Provincial MWP sa Cavite dahil sa kasong murder at walang inirekomendang piyansa.

Ang suspek na si Cristobal ay nakorner ng tracker team sa pangunguna ng 2nd Provincial Mobile Force Group (PMFG), Carmona, Cavite police, Norzagaray at Angat police at PNP-SAF sa kanyang hide-out sa Barangay Laog, Angat sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Hon.Niven R. Canlapan, Presiding Judge ng RTC,Fourth Judicial Region,Branch 109,Carmona,Cavite dahil sa kasong murder.

Kaugnay nito, anim pang MWP ang nadakip sa Meycauayan City, Obando,San Jose del Monte, San Rafael,Marilao at Obando na pawang kasama sa Municipal Level MWP at kabilang dito si John Christian Principe na may kasong Rape at MWP sa San Rafael; Jonel Yanson na may 3 counts of rape;Jonathan Cruz,may kasong murder; Michael Ipio na may kasong paglabag sa RA 9165 at Ricky Mendoza na may kasong Rape at MWP sa Obando.

Nakorner din ng tracker teams mula sa tatlong siyudad at 21 municipal police station sa Bulacan ang 46 pang wanted sa lalawigan na nakorner sa unang araw ng SACLEO matapos salakayin ang kanilang pinagtataguan at arestuhin matapos hainan ng warrant of arrest.

Samantala, dalawampung drug personalities ang nadakip sa ikinasang anti-illegal drug-bust sa magdamag na operasyon sa mga bayan ng Bocaue,Hagonoy, Obando,San Rafael, Pandi, Calumpit,

Guiguinto, Balagtas, Angat,Norzagaray at Sta.Maria at umabot sa 44 pakete ng shabu ang nakumpiska na may kabuuang timbang na 8.84 grams,limang pakete ng damo na may kabuuang Dangerous Drug Board(DDB)value na P64,242.

17 katao naman ang nadakip sa anti-illegal gambling operation at nagsimula ang week-long SACLEO eksaktong alas-12:01 ng madaling araw nitong Lunes at tatagal ng isang linggo kaya inaasahang marami pang drug suspects,wanted at sugarol ang madadakip ng Bulacan PNP sa susunod na mga araw.
MARIVIC RAGUDOS