90% NG MGA GOBERNADOR, SUPORTADO ANG UNITEAM

PROC RALLY UNITEAM

73 mula sa 81 gobernador sa bansa ang sumusuporta sa presidential candidacy ni dating senador Ferdinand “Bongbong” Marcos III.

Una nang inihayag ni Narvacan, Ilocos Sur mayor at League of Municipalities president Luis “Chavit” Singson na 90% ng mga gobernador ang sumusuporta sa UniTeam tandem nina Marcos at Davao City Mayor Sara Duterte – Carpio.

Kahapon kinumpirma ni Quezon governor Danilo Suarez ang pahayag ni Singson matapos bumisita noong Linggo sa BBM Headquarters sa Mandaluyong City ang 16 na go­vernor bilang pagtiyak na suportado nila si Marcos.

Bukod kay Suarez, dumalo rin sa pulong sina Governors Rodito Albano ng Isabela; Hermilando Mandanas ng Batangas; Arthur Yap ng Bohol; Dax Cua ng Quirino; Susan Yap ng Tarlac; Jose Riano ng Romblon; Florencio Miraflores ng Aklan; Phi­lip Tan ng Misamis Occidental; Eduardo Gadiano ng Mindoro Occidental; Alexander Pimentel ng Surigao Del Sur; Bonifacio Lacwasan ng Mountain Province;

Suharto Mangudadatu ng Sultan Kudarat; Bai Mariam Mangudadatu ng Maguindanao at dating governor Jun Ynares III ng Rizal, na kumatawan kay Governor Rebecca Ynares, na hindi naman nakadalo.

Samantala, tiniyak ni Suarez na kanilang diringgin ang apela ni Singson na gawing majority president si Marcos.