90% NG TOLLWAY TRANSACTION CASHLESS NA AYON SA TRB

TRB

NASA 90 porsiyento ng tollway transaction ang cashless na ngayon, ayon sa Toll Regulatory Board (TRB).

Sinabi ni TRB Executive Director Abraham Sales na ang cashless operations ay tumaas mula 35 porsiyento sa mahigit 90 porsiyento dahil mas marami nang motorista ang nagpaparehistro ngayon para sa RFID (radio-frequency identification).

Aniya, walang magiging pagbabago sa kanilang anunsiyo na tatanggapin pa rin ang cash sa tollways hanggang Enero 11.

Ayon kay Sales, nakahanda ang TRB na magpaliwanag at sagutin ang mga katanungan mula sa mga mambabatas hinggil sa isyu sa RFID.

“Kami po ay nakahanda naman kung ano ang kanilang tatanungin. Karapatan naman po ng mambabatas na alamin kung ano ang problema.”

Comments are closed.