UMAABOT sa 90 mga pulis ang sinibak sa puwesto dahil sa iba’t ibang paglabag.
Ito ang kinumpirma ni Philippine National Police (PNP) Officer in Charge P/Lt.Gen. Archie Gamboa kasunod ng nagpapatuloy na internal cleansing ng pulisya.
Kinumpirma ni Gamboa na nilagdaan niya ang pagsibak sa serbisyo ng ilang opisyal na may ranggong Colonel upang ipakita na hindi lamang sila nakatutok sa mga pasaway na pulis na may mababang ranggo.
Aminado si Gamboa na malaking hamon ang kanilang kinahaharap sa pagpapalit ng taon kaya’t patuloy ang kanilang kampaniya para linisin ang hanay ng PNP.
Comments are closed.