NASA 900 kabataang Pinoy ang inaasahang dadalo sa World Youth Day (WYD) sa Lisbon, Portugal mula Agosto 1 hanggang 6 ngayong taon.
Inaasahang pangungunahan ni Pope Francis ang nasabing aktibidad pati na rin ang missioning mass sa huling araw ng pagtitipon.
Ayon kay Fr. Jade Licuanan ng Episcopal Commission on Youth – Philippines , natatangi ang WYD na gaganapin sa Agosto dahil ito ang kauna-unahang WYD na ipinagpaliban dahil sa pandemya.
Kaugnay nito, 13 dioceses, 9 church organizations, 2 paaralan at 6 katao ang magmumula sa bansa mula sa 300,000 kabataang Katoliko sa buong mundo na dadalo sa naturang aktibidad.
DWIZ 882