$900-M LOAN NG PH APRUB SA WORLD BANK, IPANTUTUSTOS SA COVID-19 RECOVERY PROJECTS

WORLD BANK

INAPRUBAHAN na ng Word Bank ang kabuuang $900-million na uutangin ng Filipinas upang ipantustos sa dalawang proyekto para sa pagbangon ng bansa mula sa COVID-19 pandemic.

Sa isang statement, sinabi ng Washington-based multilateral lender na ang una ay ang $600-million project “Promoting Competitiveness and Enhancing Resilience to Natural Disasters Development Policy Loan.”

Ang pautang ay partikular na susuporta sa transformational reforms na magpapaigting sa makabagong teknolohiya, magsusulong sa mas malawak na kompetisyon, at magpapaliit sa puhunan para maibalik ang mas maraming economic activities at trabaho sa bansa.

Makikinabang sa proyekto ang mga maliliit na negosyo upang makabangon sa epektong dulot ng pandemya, pati na ang pag-agapay sa mga mamamayan sa health protocols at pinaigting na na paghahatid ng tulong sa mga mahihirap.

Matutulungan ng proyekto ang mga maliliit na negosyo na makabangon mula sa pandemya, gayundin ang mga mamamayan na makaagapay sa social distancing measures at iba pang health protocols.

“Reforms to improve digital infrastructure and speed up adoption of digital technologies will not only help the country’s efforts to recover from the impacts of the pandemic but will also boost its export competitiveness that is vital for creating more and better jobs in the future,” pahayag ni Ndiamé Diop, World Bank country director for Brunei, Malaysia, the Philippines and Thailand.

Samantala, ang ikalawang proyekto ay ang $300-million “Additional Financing for KALAHI-CIDSS National Community Driven Development Project” (KC-NCDDP) upang makatulong sa pagtugon sa kahirapan sa mahihirap na rural communities.

Comments are closed.