9,000 PATROLMAN CANDIDATES PASADO SA PNP

PNP

CAMP CRAME – MAHIGIT 9,000 aplikante ang nakapasa bilang patrolman candidates sa 2019 Recruitment program ng Philippine National Police (PNP).

Ayon kay Officer-In-Charge, PNP Chief, Lt. Gen Archie Gamboa, ang bilang na ito ay mula sa 38,357 aplikante na prinoseso ng iba’t ibang Police Regional Offices at National Support Units.

Nanumpa ang mga ito sa serbisyo sa ranggong patrolman na may basic monthly pay na P29,668.00 at iba pang benepisyo.

Ang mga patrolman candidates ay sasailalim sa anim na buwang Public Safety Basic Recruit Course (PSBRC) sa National Police Training Institute (NPTI) at karagdagang anim na buwang Field Training Program bago sila ibabalik sa kanilang mga mother unit para sa full duty status.

Ang PNP ay binibig­yang karapatan ng National Police Commission na mag-recruit ng 10,000 pulis ngayong taon para punuan ang mga bakante at bagong-bukas na po­sisyon. REA SARMIENTO

Comments are closed.