9,000 PULIS BABAKOD SA MGA BOTANTE SA REGION 12

pulis

SIYAM na libong pulis ang babakod 50 metro ang layo sa mga polling centers sa region 12.

Ito ang anunsyo ng Police Regional Office-12 (PRO-12) at magiging katuwang nila ang ilang military personnel para tiyaking mapayapa at maiwasan ang kaharasan sa paparating na May 13 midterm elections.

Sinabi ni PNP-12 spokesperson Police Lt. Col. Aldrin Gonzales, pinangunahan na ni  Regional Director Brigadier General Eliseo Tam Rasco ang a send-off ceremony  ng  uniformed personnel  na siyang magtataguyod ng seguridad para sa halalan sa nasabing rehiyon.

Kabuuang  9,370 pulis at sundalo ang ini-assign sa iba’t ibang bahagi ng probinsiya ng North Cotabato, Sarangani, South Cotabato, at Sultan Kudarat.

Sa nasabing numero, 6,212 ay mula sa Region XII; 2,846 mula sa  Armed Forces of the Philippines (AFP) at dagdag na 312 units mula sa National and Administrative support units.

Ang hakbang ay bahagi ng strict security measures na ipinatutupad ng PNP para sa halalan.

Dagdag pa ni Gonzales  na may karagdagang 200 PNP personnel ang sinanay bilang board of election inspectors (BEIs) sakaling may mga mag-backout na mga guro. EUNICE C.

Comments are closed.