INIULAT ng Department of Health na 9,062 ang gumaling pa sa coronavirus disease o COVID-19.
Sa huling ulat ng DOH araw ng Linggo ay umakyat na sa 408,634 o 92.9 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Filipinas.
Nasa 1,768 ang panibagong kaso ng COVID-19.
Sa huling datos ng DOH, umabot na sa 439,834 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 22,646 o 5.1 porsyento ang aktibong kaso.
Comments are closed.