908,101 RESIDENTE NG DAVAO CITY BAKUNADO NA

HALOS nasa isang milyong katao na ang na bakunado kontra COVID-19 sa mga nakatira sa Davao City.

Sa datos ng health authorities sa lungsod, mayroong kabuuang 1,010,811 taga-Davao City ang nabigyan ng unang dose ng bakuna habang 908,101 ang fully vaccinated.

Sinabi naman ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na bagaman marami na ang bakunado, hindi pa sila kompiyansa na ligtas kaya target nila na pabilisin pa ang vaccination rollout para makamit ang herd immunity.

Puntirya ng pamahalaan na mabakunahan nang kumpleto ang 1.2 million para makamit ang population protection target.

Mayroon ding local counterpart ang 3-Day Vaccination Drive na “Bayanihan Bakuhahan na magsisimula sa Nobyembre 29 hanggang Disyembre 1.

Samantala, nanawagan ang lokal na pamahalaan sa mga taga-Davao na huwag nang hintayin ang mga big vaccination drive at ngayon pa lang ay magpabakuna na.