INIULAT ng Department of Health (DOH) na nakapagtala pa sila ng 8,167 bagong kaso ng COVID-19 sa bansa hanggang araw ng Lunes.
Batay sa case bulletin no. 506, sinabi ng DOH na dahil sa naturang bagong bilang, umaabot na ngayon sa 1,605,762 ang total COVID-19 cases sa Pilipinas.
Gayunman, sa naturang bilang, 3.9% na lamang o 62,615 ang aktibong kaso o nagpapagaling pa mula sa karamdaman kabilang dito ang 93.9% ang mild cases, 2.1% ang severe, 1.48% moderate, 1.3% asymptomatic, at 1.2% ang critical.
Mayroon namang karagdagang 9,095 na bagong gumaling mula sa karamdaman.
Sa kabuuan, umaabot na ngayon sa 1,515,054 ang total COVID-19 recoveries sa bansa o 94.4% ng total cases.
Samantala, mayroon namang 77 pasyente ang sinawimpalad na bawian ng buhay dahil sa kumplikasyong dulot ng COVID-19.
Sa ngayon, mayroon nang 28,093 total COVID-19 death toll sa bansa o 1.75% ng total cases.
Ayon sa DOH, mayroon ding 94 duplicates ang inalis nila mula sa total case count, kabilang dito ang 20 recoveries.
Mayroong 19 kaso na unang na-tagged bilang recoveries ngunit malaunan ay natukoy na aktibong kaso pa pala ang mga ito.
Mayroon namang 29 kaso na unang na-tagged na recoveries ngunit malaunan ay natukoy na binawian na pala ng buhay sa pinal na balidasyon. Ana Rosario Hernandez
772798 723279Excellent blog here! Also your internet web site loads up fast! What host are you making use of? Can I get your affiliate link to your host? I wish my internet site loaded up as quickly as yours lol 76300
3641 427541Really informative and exceptional bodily structure of content material , now thats user friendly (:. 649062