91.3% TOTAL RECOVERIES SA COVID-19 CASES

DOH

UMAKYAT na sa 409,433 o 91.3 porsiyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Filipinas.

Sa huling ulat ng Department of Health araw ng Sabado, Disyembre 12 ay may 111 pasyente pa ang bagong gumaling sa nasabing sakit.

Nasa 448,331 ang confirmed cases ng COVID-19 matapos madagdag ang 1,301 bagong kaso.

Sa nasabing bilang, 30,168 o 6.7 porsiyento ang aktibong kaso.

Comments are closed.