91 PASAWAY NA PULIS HULI SA INTERNAL CLEANSING

PNP

CAMP CRAME – SA loob ng 19 buwan na puspusang kampanya para sa internal cleansing ng Philippine National Po-lice (PNP) sa pamamagitan ng Counter-Intelligence Task Force (CITF),  umabot na sa 91 nagkamaling pulis ang naaresto habang pito ang nasawi sa 50 iba’t ibang counter-intelligence operations.

Sinabi ni CITF Commander, Sr. Supt. Romeo  Caramat Jr. na  nakatanggap ng 13,481 sumbong mula sa text messaging at ta-wag ang task force kabilang ang 1,718 complaints laban sa 450 Police Commissioned Officers (PCOs) at 1,454 Police Non-Commissioned Officers (PNCOs) mula February 3, 2017 hanggang September 27, 2018.

Kasunod ng imbestigasyon ay kinasuhan ng administrative cases sa Internal Affairs Service (IAS) ang 66 police personnel, at criminal charges sa korte ang may 85 other errant police personnel  kasama ang 21 civilians.

Dagdag pa ni Caramat, ang 173 complaints na natanggap ng Task Force  ay ini-refer na sa Deputy Regional Director for Operations.

Aabot naman sa 152 ang naglakas ng loob na magtungo sa tanggapan ng CITF para magreklamo laban sa PNP personnel.            EUNICE C.

Comments are closed.