UMAABOT sa bilang na 91 preso at 19 na pulis ang nagpositibo sa COVID-19 sa Fairview Police Station 5 ng Quezon City Police District (QCPD).
Kinumpirma ni Quezon City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU) chief Dr. Rolly Cruz na nitong Biyernes lamang nila nakuha ang resulta ng isinagawang RT PCR testing sa mga preso at pulis sa nasabing istasyon.
Isinagawa umano ang swab test noong Agosto 5 at 6 bilang bahagi na rin ng programa ng lokal na pamahalaan na isalang sa mga pagsusuri laban sa COVID-19 ang mga tanggapan ng gobyerno at mga istasyon ng pulisya.
Sinabi pa ni Cruz na agad nang nagsagawa ng isolation sa mga tinamaan ng virus at karamihan sa kanila ay asymptomatic o walang sintomas.
Magugunitang aabot sa 82 pulis ng Talipapa Police Station sa Quezon City ang nagpositibo rin sa COVID-19 at ang ilan sa kanila ay kabilang umano sa naka-standby na puwersa bilang seguridad sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte. EVELYN GARCIA
173625 435029Which is some inspirational stuff. Never knew that opinions may possibly be this varied. Thank you for all of the enthusiasm to offer such valuable data here. 186248
933852 914923Someone essentially assist to make severely posts I may well state. That could be the really 1st time I frequented your internet site page and so far? I surprised with the analysis you made to create this certain submit incredible. Magnificent task! 487620