911 EMERGENCY HOTLINE SA BULACAN

ILULUNSAD sa Oktubre 28 sa Bulacan Capitol Gymnasium ang 911 emergency hotline na bahagi nang pagpapalakas ng Bulacan Rescue.

Nabatid na maaari nang itawag ang mga emergency tulad ng mga sumusunod “atake sa puso, stroke at iba pa, aksidente, sunog, gumuhong gusali at mga natural na sakuna gaya ng baha, bagyo at lindol na nangangailangan nang agarang responde.

Sa ilalim ng Executive Order No. 56, T’2018 binuo ang 911 bilang pambansang hotline na maaaring tawagan sa panahon ng sakuna at inaatasan din ang lahat ng pamahalaang lokal na magkaroon ng lokal na 911 call center kung saan libre ang pagtawag, sa pakikipagtulungan ng Kagawaran ng Interior at Pamahalaang Lokal at Philippine Long Distance Telephone Company.

“This will not defeat the purpose of the Bulacan 566, puwede pa rin pong tawagan ang numerong ito para sa pagresponde sa mga emergency 24/7.

Ayon kay People’s Governor Daniel Fernando, ilulunsad ang 911 hotline na makakatulong ng 566 sa pagpapanatili ng pampublikong kaayusan at seguridad at pagpigil sa kriminalidad.

Mag-dial lamang sa 911, kahit walang load, walang problema, mas pinabilis din at waiting time dahil sa Go Live,.

Sa pamamagitan ng Go Live 911 gamit ang software na Touchpoint, direktang maitatawag sa mga pinakamalapit na emergency team.

Matatandaang una nang nakapagsagawa nang PLDT 911 Seminar-Orientation ang PDRRMO noong Nobyembre 8, 2019 kung saan sertipikado na rin ang lahat ng empleyado ng C4 bilang Emergency Communicator noong Disyembre 23, 2019.

Bukod dito nakapagsagawa na rin ng Emergency Telecommunicator Certification raining ang mga responders noon pang Enero 13 hanggang 17, 2020, nag-inspeksyon na din ang Emergency 911 national office ng DILG sa Pamahalaang Panlalawigan para sa aplikasyon nito sa lokal na paggamit ng 911 hotline noong Hunyo 21, 2021 at ito ay naaprubahan.

Kasabay nito ay sumailalim na rin ang mga empleyado ng Bulacan Rescue sa pagsasanay sa Call Handling at Emergency Dispatch para sa Bulacan 911 Operation nito lamang Oktubre 12 hangang 15.
Samantala “handa na ang Bulacan Rescue upang magserbisyo sa ating mga mamamayan. THONY ARCENAL

158 thoughts on “911 EMERGENCY HOTLINE SA BULACAN”

  1. 812158 234703Immer etliche Firmen bentzen heutzutage Interimmanagement als innovatives und ergnzendes Gertschaft i. Spanne der Unternehmensfhrung. Denn hiermit wird Kenntnisstand leistungsfhig, bedarfsgerecht und schnell ins Unternehmen geholt. 39547

Comments are closed.