911 TESDA ILULUNSAD SA HULYO

ISIDRO LAPEÑA

NAKATAKDANG ilunsad ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang isang mobile platform na kokonekta sa mga tao na nangangailangan ng technical services sa TESDA-trained workers, ayon kay  Director General Isidro Lapeña.

“911 TESDA, the platform, will ‘work just like Grab’,” sabi ni Lapeña patungkol sa serbisyo kung saan nagbu-book ang mga commuter ng taksi, kotse o  couriers sa pamamagitan ng mobile application.

Aniya, pinaplantsa ng isang working group ang mga detalye at iimbitahan ng TESDA ang mga stakeholder upang makapaglabas ng makatuwitang pricing scheme.

“We might be able to launch it in July,” sabi ni Lapeña.

Ang application ay ­unang ilulunsad sa Metro Manila.

Napag-alaman na lu­magda na ang ahensiya sa isang memorandum of understanding sa siyam na online manpower service providers kaugnay sa application.

“The pplication will both serve the public and help TESDA graduates find work,” dagdag pa ni Lapeña.

Comments are closed.