918 HIGH-VALUE TARGETS TINUTUGIS

DG-Oscar-Albayalde-2

CAMP CRAME – IBINIDA ni Philippine National Police (PNP) Chief, Dir. Gen. Oscar Albayalde na nasa 918 na lamang o 9.3 percent ng kabuuang bilang na 9,866 High-Value Targets drug personalities ang kanilang hinahabol para kasuhan.

Ang ulat ay inanunsiyo ni Albayalde sa regular ­Monday press conference sa Camp Crame.

Aniya, ang nasabing bilang ay naitala noong Hunyo 30 habang kalahati ng puntirya o 4,858 drug personalities ay sumuko at isinasailalim na sa close monitoring.

Batay pa rin sa record, umabot na sa 2,795 o 28.3%  ng HVT ang naaresto sa anti-drug operations ng pulisya at ngayon ay may kinakaharap ng kaso sa korte.

Huli aniyang nadakip ng pulisya ay ang HVT na nag-o-operate sa Laguna at isang SK Kagawad sa Pasay City  na pawang nakuhanan ng baril at  nasamsam sa kanila ang P1.8 million halaga ng shabu.

Ikinalungkot naman ni Albayalde na sa kanilang ope­rasyon kontra HVT ay umabot sa 258  drug personalities ang nasawi habang mayroon namang 322 HVT na biktima rin ng homicide cases under investigation o mga nasa listahan bilang high-value target na napaslang ng mga hindi nakikilalang salarin at kasama rito ang dating police colonel sa Maynila, barangay official sa La Union na pawang nasa drug watchlist.

“However, the ends of justice may not be served on 258 or 2.6% of our targets who died in police operations even before they can be arrested. Similar fate befell 322 or 3.2% of High-Value Targets who became victims of Homicide Cases Under Investigation, including that of a retired police officer in Manila yesterday, and a barangay official in La Union who were both listed in the drug watchlist,” ani Albayalde.

Inamin din ni Albayale na 654 HVTs o 6.6%  ang hindi na nila ma-locate subalit hindi ani­la sila tumitigil para madakip ang mga ito.     EUNICE C.

Comments are closed.