PINANGANGAMBAHANG hindi makatanggap ng pensiyon ang mahigit 91,000 waitlisted na senior citizens sa susunod na taon.
Ito, ayon kay Social Welfare and Development Assistant Secretary Glenda Relova, ay dahil sa binawasang pondo ng kagawaran sa 2021.
Sinabi ni Relova na humihiling sila ng P24-B na pondo para maisama sa pension program ang nasa 3.7 milyong mga pinakamahihirap na senior citizens sa bansa.
Gayunman, binawasan pa, aniya,ng Department of Budget and Management (DBM) ng mahigit P800-M ang pondo para sa naturang programa.
Samantala, kinuwestiyon ni Bayan Muna Partylist Rep. Carloz Zarate kung bakit kinakailangan pang i- waitlisted ang mga nakatatanda para maisama sa mga makatatanggap ng pensiyon.
Iginiit ni Zarate na dapat busisiin ng Kongreso ang naturang patakaran lalo’t marami naman aniyang pondo ang maaaring ma-realign upang mapakinabangan ng mga senior citizen. DWIZ 882
Comments are closed.