INIULAT ng Department of Health (DOH) na umaabot na sa mahigit 922,000 indibidwal ang nakapagpabakuna na laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Batay sa datos na inilabas ng DOH, nabatid na nasa kabuuang 922,898 indibidwal na ang naturukan ng COVID-19 vaccines hanggang nitong Abril 6 lamang.
Sa naturang bilang, 64% o 872,213 ang nakakuha na ng kanilang first dose ng bakuna, habang 3.7% naman o 50,685 ang nakakumpleto na ng dalawang dose.
Mayroong 2,670 vaccination sites sa buong bansa ang nagtuturok ng 1,936,600 doses na naipamahagi na ng pamahalaan, o katumbas ng 77% ng 2,525,600 shots ng bakuna na naideliber sa bansa.
Nabatid na ang seven-day daily average ng nabakunahang mga indibidwal ay nasa 22,932 ngayon mula sa dating 32,940 noong Marso 30.
Mayroong pitong lokal na pamahalaan ang napilitang itigil ang pagbabakuna sa mga senior citizen dahil sa kakulangan ng AstraZeneca vaccines.
May ilan sa kanila naman ang nagpatuloy na sa pagbabakuna sa mga matatanda matapos na bigyan na ng go signal ang pagtuturok ng Coronavac ng Sinovac para sa senior citizens.
Matatandaang ang Sinovac ay dating pinapayagan lamang na maiturok sa mga indibidwal na nagkakaedad ng 18-59-anyos na may comorbidities at ang AstraZeneca naman ay ibinibigay para sa mga senior citizen.
Tiniyak naman na ng DOH na ang COVAX Facility, ang global initiative para sa equitable vaccine distribution, ay nag-commit na magdedeliber ng bagong batch ng AstraZeneca doses ngunit maaantala ito dahil na rin sa kakulangan rin ng suplay nito. Ana Rosario Hernandez
121938 628296Respect to post author, some amazing data . 774488
271888 888598Today, I went to the beachfront with my kids. I found a sea shell and gave it to my 4 year old daughter and said “You can hear the ocean if you put this to your ear.” She placed the shell to her ear and screamed. There was a hermit crab inside and it pinched her ear. She never wants to go back! LoL I know this is totally off topic but I had to tell someone! 253908