93.68 % PDL BAKUNADO NA

MULING nagsagawa ng pagbabakuna laban sa COVID-19 Virus para sa mga Person Deprived of Liberty (PDL) kahapon ng umaga sa Quezon City Bureau of Jail Ma­nagement and Penology (BJMP).

Ayon kay QC BJMP Warden JSupt Michelle Ng Bonto, nasa 3,307 o 93.68 % PDL ang nabakunahan laban sa CO­VID-19 virus sa ilalim ng kanyang pamumuno ay umabot sa 903 o 25.6 % ang nabigyan ng booster shot na Astrazeneca samantalang Janssen naman ang naiturok sa 223 o 6.31 % na mga bagong dating sa loob.

Sa ilalim ng QC Protektado Vaccination Program ng LGU Health Department katuwang ang QCJMD Health Service Unit at BJMP NCR Regional Health Service Division, ang mga PDL ay nakatanggap na ng bakuna mula pa noong Oktubre 2021 na ang itinurok ay Sinovac at Astrazeneca samantalang ang mga nakaalis na sa piitan ay kinakailangan bumalik upang makompleto ang kanilang mga bakuna.

Sa huling datos na ibinigay ni BJMP Spokesperson JSupt Xavier Solda, nasa 50.28% o 64,698 mga PDL nationwide na ang na­bigyan ng booster shot samantalang 122,524 0 95.23 % ang kabuuang nabakunahan.

Layon ng BJMP sa pamumuno ni Director General Allan Iral na mabakunahan ang lahat ng PDL upang mapangalagaan pa rin ang kanilang karapatan na magkaroon ng maayos na kalusugan sa ilalim ng Sec 15, Article 2 ng 1987 Philippine Constitution.MARIA THERESA BRIONES