93-ANYOS NA LOLA, 1 PA BINARIL SA SUV

binaril

QUEZON CITY- TINULDUKAN ng bala ang buhay ng 93-anyos na lola gayundin ang isa pang 62- anyos habang lulan ng sports utility vehicle sa Barangay Holy Spirit ng lungsod na ito.

Naganap ang pamamaril pasado alas-8 ng gabi noong  Biyernes.

Sa ulat ng pulisya, kinilala ni Batasan police station commander Lt. Col. Romulus Gadaoni ang mga biktima na sina Emilia Rumor, 93-anyos, at Brenda Rumor, 62-anyos, residente sa lugar.

Pinagbabaril ang dalawa habang nakasakay sa puting SUV sa harap ng kanilang bahay sa nasabing barangay.

Aminado ang pulisya na blangko pa sila sa pagkakakilanlan ng gunman na responsable sa krimen.

Narekober ng pulisya sa pinangyarihan ng krimen ang pitong basyo ng bala ng kalibre .45 na baril. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM

Comments are closed.