932 DINAPUAN NG COVID-19 NAISALBA NG DOKTOR

DOH

MAYNILA-PANIBAGONG 70 pasyente pa ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang naitala ng Department of Health (DOH) na gumaling na mula sa karamdaman hanggang kahapon, Lunes.

Ayon sa DOH, dahil dito ay umakyat na ngayon sa kabuuang 932 ang bilang ng mga COVID-19 recoveries sa bansa.

Batay naman sa DOH COVID-19 case bulletin #044, hanggang nitong 4:00PM, ng Abril 27, nakapagtala pa sila ng 198 bagong COVID-19 cases, kaya’t mula sa dating 7,579 lamang nitong Linggo ay naging 7,777 na ang kabuuang bilang nito sa ngayon.

Binigyan naman sila ng DOH ng patient ID# na PH7,580-PH7,77.

“Total number of cases in the country is now at 7,777,” anang DOH.

Kaugnay nito, iniulat rin naman ng DOH na may 10 COVID patients pa ang binawian ng buhay, sanhi upang umakyat na sa 511 ang death toll ng virus sa bansa mula sa 501 lamang nitong Linggo. ANA ROSARIO HERNANDEZ

Comments are closed.