CAMP CRAME -UMAKYAT na sa 93,242 mga indibiduwal sa buong bansa ang naitala ng Joint Task Force COVID Shield na lumabag sa ipinatutupad na Enhanced Community Quarantine.
Sa bilang na ito 53,049 violators ay naitala sa Luzon, 17,380 violators ay naitala sa Visayas habang sa Mindanao ay 22,813 violators.
Ayon kay JTF COVID Shield Commander Lt Gen Guillermo Eleazar, 66,063 sa mga violator ay pinagsabihan lang at pinauwi na habang ang 4,392 ay pinagmulta dahil sa paglabag.
Samantala, nadagdagan din at ngayon ay umaabot na sa 657 na indibiduwal ang naaresto ng PNP matapos na mahuling nagho-hoard at nagbebenta ng overpriced medical supplies at mga pangunahing pangangailan ngayong nakakaranas ng krisis ang bansa dahil sa COVID-19. REA SARMIENTO
Comments are closed.